PCSO tumatanggap ng online application para sa medical assistance

Kahit nasa gitna ang bansa ng krisis dahil sa pandemic na coronavirus disease 2019 (COVID-19) , hindi tumitigil ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa paghanap ng ibat-ibang klase ng pagtulong sa mga mamamayan matapos ianunsyo ng ahensya ang pagtanggap nila ng online application para sa mga humingi ng tulong medical simula ngayong araw.