Zamora nabiktima ng Omnibus cartel

Nalagay sa alanganing sitwasyon ngayon si San Juan City Mayor Francis Zamora dahil sa biniling overpriced COVID-19 polymerase chain reaction (PCR) test machine sa kontrobersyal na supplier na Omnibus Bio-Medical Systems na pag-aari ng mag-asawang Van at Evelyn Co.

Senado kakalkalin overpricing ng PhilHealth

Nangako si Senador Bong Go na sisiyasatin niyang mabuti ang diumano’y overpriced na COVID-19 medical supply gayundin ang test package ng Philippine Health Insurance Corporation (PHilHealth).

3 huli sa overpriced face mask sa Cebu

Arestado ang tatlo katao matapos mabuko sa pagbebenta ng overpriced na face masks makaraang ikasa ang entrapment operation ng Lapu-Lapu City Police Office, Biyernes ng umaga.

4 online seller ng alcohol swak sa overpricing

Apat na katao ang inaresto ng mga awtoridad sa Tondo, Maynila noong Huwebes ng hapon dahil sa pagbebenta online ng mga overpriced na alcohol. Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) director Brig. Gen. Ronnie Montejo ang mga inaresto na sina Jovelyn Gingo, 31; Kimper Joy Edoloverio, 26; Ignacio Cortes Jr., 63, at Michael Jade […]

Thermal scanner nilalako sa SUV

Hindi nakalusot sa mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang guerilla style modus ng tatlong Chinese national na naglalako ng mga overpriced na thermal scanner sakay ng sport utility vehicle (SUV).

2 tindahan huli sa overpriced na N95 mask

Muling binigyan ng notice of violation ang CCM Med Health Company at JKOS Medical Supplies and Equipment na dati na ring nabigyan ng notice ng Department of Trade and Industry (DTI) dahil sa overpriced sa pagbebenta ng N95 mask.

5 Chinese Timbog sa overpriced face mask

Dinakip ng mga tauhan ng Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team ang limang Chinese national na nag-o-overpricing at hoarding ng mga surgical mask at N95 mask kahapon ng umaga sa Binondo, Maynila.