Tutulungan tayo ng Panginoon, tulungan natin ating sarili

Habang isinusulat ko ang pitak na ito, kasama ang Maynila sa mga lungsod ng bansa na papasok sa isang bagong yugto. Ito ay ang general community quarantine, kung saan maraming pagbabago ang inaasahang magaganap sa mga darating na araw.
Huwag matakot, huwag mangamba!

Ngayong Ikalimang Linggo ng Muling Pagkabuhay, pinatatatag ang ating loob sa gitna ng krisis na hinaharap. Sa Ebanghelyo (Jn 14: 1-14) malinaw ang mga salitang binitiwan ni Hesus na tunay na nakapagpapalakas ng loob lalo na sa mga humaharap sa matinding kasiphayuan sa kasalukuyang pandemya: “Huwag kayong mabalisa; manalig kayo sa Diyos at manalig din kayo sa akin!” diin ng Panginoon.
Kasama natin ang Diyos sa pakikibaka vs. COVID-19!

Ang Ebanghelyo ngayong Ikatlong Linggo ng Muling Pagkabuhay (Lc 24, 13-35) ay tungkol sa dalawang alagaad na nag-uusap sa daan patungong Emmaus matapos ang pagpanaw ni Hesus at pagkalat ng balitang ito’y muling nabuhay. Nang lumapit ang Panginoon na hindi nila namukaan, isiniwalat nila ang kabiguang taglay sa puso-“Siya pa naman ang inaasahan naming magpapalaya sa Israel!”
Pag-asang dulot ng Muling Pagkabuhay ni Kristo!

Muling nabuhay si HesusKristo, aleluya! Ipinagdiriwang natin sa araw na ito ang Pista ng Muling Pagkabuhay. Binibigyan tayo ng lakas at pag-asa ng Diyos sa gitna ng patuloy na pakikibaka sa COVID-19, ang kalabang ‘di nakikita. Tiwala tayo na mapagwawagian natin ang giyerang ito sa tulong ng Panginoon.
Hesus bukal ng tubig na nagbibigay-buhay!

Sa ating Ebanghelyo ngayong Ika-3 Linggo ng Kuwaresma (Jn 4:5-42), ginamit ni Hesus ang malinis na tubig upang ilarawan ang inilalaan Niyang walang hanggang buhay para sa tanan. Binigyang-diin ng Panginoon sa Kanyang panayam sa babaeng Samaritana na Siya lamang ang tanging makapapawi ng ating pagkauhaw sa kaligtasan.
Panalangin ng isang historyador

Panginoon ng kasaysayan, nagpapakumbaba po kami sa inyo sa gitna ng isang kritikal na yugto sa aming bansa. Salamat po sa inyong biyaya na makilala namin ang aming Inang Bayan sa pamamagitan ng kasaysayan, sapagkat tunay lang namin siyang mamahalin kung tunay namin siyang makikilala.
‘Year of Ecumenism and Interreligious Dialogue’ ng Simbahan start na!

Ilulunsad ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ngayong araw ang taon ng pagbibigay halaga sa ugnayan ng iba’t ibang pananampalataya kasabay ng pagdiriwang ng Unang Linggo ng Adbiyento. Apat na linggo na lang, Pasko na naman! Katulad ng mga nakaraang taon, binibigyan tayo ng panahon upang maghanda sa pagdatal ng Panginoon.
Biyayang dapat hilingin sa Diyos ang pananampalataya!

Mensahe ng Ebanghelyo ngayong Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (Lc 17: 5-10) na walang anuman tayong maipagmamalaki sa Panginoon. Maging ang ating pananampalataya sa Diyos ay isang biyayang kaloob niya sa atin. Turo ng Simbahan, ang Diyos ang nagpapalago ng ‘butil ng mustasa’ ng ating pananampalataya. Inaanyayahan ang tanan ngayong araw na tugunin ang panawagan ng Diyos tungo sa lubos na pagtitiwala.
Masigasig na paghihintay sa Panginoon!

Tema ng Ebanghelyo (Lc 12:35-40) ngayong Ika-19 na Linggo ng Karaniwang Panahon ang ‘masigasig’ o buong pag-asang pahihintay sa Diyos. Paanyaya ng Simbahan sa tanan ang panatilihing bukas ang puso at isipan upang maging handa sa muling pagdating ng Panginoon sa ating buhay. Inaanyayahan ang lahat na huwag panghinaan ng loob sa harap ng mga pagsubok, bagkus buong tiwala at tapang na kumapit sa Poon.
Hamon sa tanan ng ‘radikal’ na pag-ibig

Mabigat at tila imposible ang hinihingi ng Panginoon sa Ebanghelyo (Lc 6: 27-38) ngayong ika-7 Linggo sa Karaniwang Panahon tungkol sa pagpapatawad. Isang hamon sa ‘radikal’ na pag-ibig ang paanyaya ni Hesus ngayong araw sa tanan.