Pasok sa mga pabrika pinaigsi na

Hanggang alas-8:00 na lang ng gabi ang operasyon ng mga pabrika at iba pang commercial establishment sa Navotas City dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng social distancing measures ng gobyerno at upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID 19).

Pabrika ng pekeng yosi nilusob

Matapos ang ilang buwang surveillance, sinalakay ng mga awtoridad ang isang factory na gumagawa ng pekeng sigarilyo sa bayan ng Dinas, Barangay San Jose, Zamboanga Del Sur, Biyernes ng madaling-araw.

DOST building pabrika ng pekeng yosi

Sinalakay ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang isang gusali na pag-aari umano ng Technology, Livelihood Resource Center (TLRC) ng Department of Science and Technology (DOST) na natuklasang gumagawa ng may P1 bilyong halaga ng mga pekeng sigarilyo sa Cabiao, Nueva Ecija .

Karapatan ng pakyawan

Magandang araw po sa iyo. Nais ko po sanang malaman kung ano ang mga karapatan ng isang pakyawan o piece rate na manggagawa sa isang pabrika.

Pabrika ng pabango sa San Juan, natupok

Tinatayang aabot ng P350,000 halaga ng mga ari-arian ang natupok sa sunog na naganap sa isang maliit na pagawaan ng pabango sa A. Laki corner R. Lagmay St., Brgy. Balong Bato, San Juan City dakong alas-11:10 Biyernes Santo nang gabi.

Caretaker ng pabrika timbog sa mga baril, bala

Arestado ang isang senior citizen makaraang salakayin ng mga pulis ang binabantayan niyang pabrika at nakasamsam ng iba’t ibang kalibre ng mga baril at bala, sa Valenzuela City kamakalawa nang gabi.

Pabrika ng paputok nagliyab, 3 bata patay

Tatlo na ang kumpirmadong patay sa limang batang naputukan makaraang sumabog ang isang abandonadong pagawaan ng paputok malapit sa palayan sa Brgy. Lolomboy, Bocaue, Bulacan.