8 drug suspect sunud-sunod na pinatay sa Caloocan

Walong katao na hinihinalang sangkot sa droga ang pinatay kamakalawa ng gabi hanggang kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City. Pasado alas-tres ng madaling-araw nang matagpuan ang bangkay ng isang hindi pa nakikilalang lalaki sa Phase 4, Package 5, Barugo Tangke, Bagong Silang na may placard sa ibabaw ng katawan nito na nagsasabing “PUSHER AKO WAG TULARAN”. […]