Chinese POGO housing binoldyak ni Olivarez

Pinatigil ng pamahalaang lungsod ng Parañaque City ang konstruksyon ng mga apartment building sa loob ng Multinational Village na gagawin umanong tirahan ng mga Chinese national na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) worker na inireklamo ng homeowners association ng naturang subdivision.
Parañaque satellite office sa Pagcor Entertainment City

Bago matapos ang taon ay sisimulan na ang kontruksyon ng may 2,434 square meters na satellite office ng Parañaque City sa loob mismo ng Pagcor Entertainment City.