Patay na sanggol

Nanaginip po kasi ako na may hawak ako na baby na patay. Sa panaginip ko po kasi, pauwi na ako sa bahay at sumakay po ako ng motor tapos sa nadaanan po namin, may baby tapos kinuha ko po. Pag-uwi ko sa bahay, patay na po ‘yung baby. Ano po ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Mabigat na trapiko pasakit sa mga Pinoy

Napakabigat nap o talaga ng trapiko sa metro ­manila ngayon. Ang dati ko kasing dalawang oras lang na biyahe papasok at pauwi sa trabaho ay umaabot na ng tatlong oras. Bakit ba hindi ­masolusyunan ng gobyerno ang mabigat na trapiko sa bansa?