Hirap, luha ni Agatha 2 ginto ang katapat

‘Di naiwasan ni Agatha Christiensen Wong ang mapaluha sa pagtanggap ng kanyang ikalawang medalyang ginto sa harap ni Team Pilipinas Chef de Mission at Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez sa awarding ceremonies ng wushu event ng PH 30th Southeast Asian Games 2019.