Terorista na, kriminal pa sa Sulu uubusin

Tiniyak kahapon ng liderato ng Philippine Army na uubusin nila ang mga miyembro ng Abu Sayyaf na nasa likod ng magkasunod na pagpapasabog sa Our Lady of Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu kung saan 22 katao ang namatay at higit 100 iba pa ang nasugatan.