May gamot ba sa stress?

Kamakailan ay may nakausap tayong tagasubaybay natin at ang tanong niya ay “ano po ang pinakamagandang gamot para mawala ang stress?” Madalas kong biro ay mabuti na may stress kayo sa buhay dahil sigurado kayong buhay kayo, dahil kung wala, malamang iba na ang mga nase-stress para sa inyo dahil nakabaon na kayo sa lupa. Sa totoo lang, hindi naman stress ang tunay na nagbibigay ng problema sa atin. Ang talagang salarin ay kung papaano natin nararamdaman ang mga ito at kung ano ang ginagawa natin para dito. Kaakibat ng stress ay ang mga problema. Mapaproblema sa trabaho, sa pamilya, sa bahay, sa kapitbahay, saan man o kung sino man.