Bagong PRO3 director sumumpa sa tungkulin

Pormal na umupo kahapon si Brig. Gen. Rhodel O. Sermonia bilang bagong director ng Police Regional Office 3 (PRO3) sa isang simpleng turn over ceremony na ginanap sa parade ground ng Camp Olivas sa siyudad ng San Fernando, Pampanga.

Listahan ng ilang firecracker zone inilabas na

Ipinalabas na kahapon ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang listahan ng Firecrackers zone at Community Fireworks Display zone sa buong rehiyon upang mabig­yan ng babala ang publiko sa pagpapaputok ng firecrackers sa mga pampublikong lugar at para mabawasan ang bilang ng mga nasusugatan sa pagpasok ng ­Bagong Taon sa ­Gitnang Luzon.

Holdaper nang-hostage sa jeep, binaril

Isang lalaki ang nasa kritikal na kondisyon makaraang mabaril ng mga rumespondeng pulis ilang minuto matapos mang-hostage ng isang babaeng pasahero ng jeep nang mabulilyaso ang tangkang panghoholdap sa MacArthur Highway, Brgy. Ninoy Aquino, Angeles City, Pampanga nitong Martes ng madaling-araw.

Warning sa pulis-CL: Trigger-happy na mga pulis, arestuhin

Nagbabala kahapon si P/Chief Supt. Amador V. Corpus, regional director ng Police Regional Office 3 (PRO3), na mahaharap sa kasong kriminal at pag-aresto ang sinumang pulis sa Gitnang Luzon na magpapaputok ng baril ngayong nalalapit na Kapaskuhan at paghihiwalay ng taon.

Crime rate sa Region 3 bumaba ng 6%

Bumaba ng mahigit anim na porsiyento ang kriminalidad sa Central Luzon sa nakalipas na walong buwan ngayong taong 2017 bunga ng epektibong kampanya laban sa iba’t ibang uri ng krimen ng kapulisan.

2 patay, 4 tiklo sa drug operation sa Central Luzon

buy-bust-operation

Sa report ni P/Chief Supt. Amador V. Corpus, regional director ng PRO3, nakilala ang napatay na sina alyas ‘Totoy’ ng Bgy. Tigbe, Norzagaray at alyas ‘Castro’ ng Minuyan Proper, San Jose del Monte (SJDM) kapwa sa Bulacan na nagtamo ng tama ng bala sa kanilang katawan at nakumpiskahan ng caliber 38 rebolber, sumpak at 46 pakete ng shabu.

Chinese drug lord pinakakasuhan sa Angeles

Mayroong probable cause para sampahan ng mga kasong kriminal ang isang Chinese drug lord na naaresto at nakumpiskahan ng P100 milyong halaga ng shabu ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency at Police Regional Office 3 sa Pampanga noong Agosto 5. Sa ipinalabas na pitong pahinang resolus­yon na isinulat nina Senior State Prosecutor Juan […]