Parusa sa illegal parking sabayan ng ‘no parking, no vehicle act’

Pinamamadali na ni Senador Win Gatchalian ang pagpapasa ng kanyang panukalang mag-oobliga ng patunay na mayroon silang parking space bago payagan ang pagbili ng bagong sasakyan.
Nagbabadyang krisis sa trapiko
Sa isinagawang Senate inquiry hinggil sa problema sa trapiko noong Miyerkules, napag-alaman na noong 2015 ay umabot na sa 2.3 milyon ang bilang ng mga sasakyan sa National Capital Region (NCR) samantalang ang mga kalsada ay umaabot lang sa 3,000 kilometro. Base sa datos ng Department of Transportation, may walong milyong rehistradong sasakyan sa buong […]