Petisyon kontra provincial bus ban binasura

Binasura ng Supreme Court ang tatlong petisyon kontra sa provincial bus ban at pagpapaalis ng mga terminal sa kahabaan ng EDSA dahil nilabag nito ang doktrina ng ‘hierarchy of courts’.
Karagdagang intel funds ng OP makatwiran

Sa laki at dami ng mga hamong kinakaharap ng bansa sa kaligtasan at seguridad, ang panukalang P4.5 bilyon na budget para sa surveillance, intelligence at confidential budget ng Office of the President ay makatwiran at napapanahon para lubusang pagtuunan ng pansin ang mga usapin sa panloob at panlabas na seguridad.
8 bayan sa Iloilo napeste

Walong bayan sa Iloilo City ang naapektuhan dahil sa pag-atake ng mga pesteng rice black bug.
Bicol region naka-full alert; 6K pulis ikakalat

Isasailalim sa full alert status ang buong Bicol Region bilang paghahanda sa araw ng Undas kasabay ng pag-alerto sa may 6,000 kapulisan dahil sa pagdagsa ng mga bisita sa isang linggong semestral break.
DOJ midnight reso pina-recall

Iniutos ni Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre na i-recall ang mga ipinalabas na resolusyon ni dating Justice Sec. Emmanuel Caparas mula Mayo 1 hanggang Hunyo 30 ng 2016 na itinuturing na ‘midnight’ resolutions. Base sa inisyung Department Order No. 524 na may petsang Agosto 3, ni Aguirre pinatigil nito ang pagpapatupad ng mga […]