Tangke ng Marines, kotse nagbanggaan sa EDSA

Wasak ang kaliwang rear light at tanggal ang bumper ng isang kulay pulang kotseng minamaneho ng isang Grab driver nang mag-overtake umano ito sa convoy ng 11 tangke ng Philippine Marines sa south bound lane ng EDSA paglagpas ng Light Rail Transit (LRT) Muñoz station, nitong Biyernes nang gabi.