Kakatuwang pananahimik

Antonio-Tinio-Kwintas-Klaras

Hindi mahirap na iugnay ang utos na “Shoot them dead” ni Pangulong Duterte sa kapulisan para sa mga mamamayang lalabag sa kwarentina at “manlalaban,” na sinambit niya sa kanyang April Fool’s Day “Address to the Nation,” sa pagpaslang ni Philippine National Police M/Sgt. Daniel Florendo Jr. kay retiradong Philippine Army Corporal Winston Ragos sa isang checkpoint sa Novaliches, Quezon City noong Abril 21.

Mitra: WSC derby inurong sa Hunyo

Binawi ng Games and Amusements Board (GAB) ang permit na maagang inisyu sa mga organizer ng World Slasher Cup (WSC) International Derby na ilalarga sana sa darating na May 18-24 sa Araneta Coliseum, Quezon City. Inanunsiyo sa FB messenger ni GAB Chairman Abraham Kahlil Mitra ang hakbang dahil sa extension ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) […]

Matapos barilin si Ragos, mga sundalo susuriin sa utak

Ipinag-utos kahapon ni Philippine Army commander Lt. General Gilbert Gapay ang pag-check sa mental health ng mga sundalo matapos ang kaso ng pamamaril at pagpatay kay retired Army member Corporal Winston Ragos ng isang pulis sa quarantine checkpoint sa Quezon City.

P1.1M shabu nasamsam sa 4 tulak

Umabot sa P1,156,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa naarestong apat na tulak ng iligal na droga sa magkakahiwalay na buy-bust operations na isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Novaliches Police sa Quezon City.

Magbiyenan tinodas ng 3 naka-face mask

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang 73-anyos na lola at ang kaniyang manugang ng tatlong armadong kalalakihan na pumasok sa kanilang tahanan sa Barangay Commonwealth, Quezon City, Miyerkules ng gabi.

Duterte pinabusisi ang pagbaril sa ex-army na pasaway sa ECQ

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon ng mabilis subalit patas na imbestigasyon sa pagkamatay ng isang dating sundalo na binaril ng pulis dahil sa paglabag diumano sa enhanced community quarantine sa Quezon City, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.