BURADO SA TAMS

Si Raymar Jose (gitna) ng FEU habang nakikipag-unahan sa pagdamba sa loose ball kina Matthew Nieto (kaliwa) at Rafael Verano (kanan) ng Ateneo. Tumabo si Jose ng 20 points, 23 rebounds para giyahan ang Tamaraws sa 62-61 win at puwersahin ang do-or-die kontra Eagles sa UAAP 79 semis. (Patrick Adalin)

Kumayod nang todo si graduating big man Raymar ‘Toto’ Jose para pasanin ang No. 3 Far Eastern University sa ga-buhok na 62-61 panalo kontra pinapaborang No. 2 Ateneo kahapon sa opener ng kanilang semifinals series sa UAAP Season LXXIX men’s basketball sa Mall of Asia Arena. Humarabas ng 22 points at 23 rebounds si forward […]