8 testigo humarap vs 5 RCBC exec sa money laundering

Walong testigo na ang iniharap ng Department of Justice (DOJ) at ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa Makati Regional Trial Court para sa kasong money launde­ring na isinampa laban sa limang executive ng Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) ng mga Yuchengco kaugnay sa pagnanakaw ng $81 million sa Bangladesh Central Bank heist na nangyari noong Pebrero 2016.

Bank manager kulong ng 7-taon sa fictitious loan

Pinagmumulta ng Regional Trial Court ng Las Piñas ng P400,000 ang dating manager ng People’s Rural Bank of Binmaley (Pangasinan) Inc. o PRBBI dahil sa apat na count ng paglabag sa General Banking Law of 2000.

Wanted sa Quezon, timbog sa Olongapo

Nagwakas ang mahigit isang buwan na pagtatago sa mga alagad ng batas ng isang lalaking suspek sa pagpatay sa 17-anyos na dalagang anak ng kanyang dating live-in partner sa Atimonan, Quezon matapos na masakote ito sa Olongapo City noong Sabado.

SEC blangko sa pagbenta ng Capitol Hills

Aminado ang Securities and Exchange Commission na wala itong magagawa sa kaso ng pagbebenta ng Capitol Hills Golf and Country Club ng mga ari-arian nito na dapat sana ay binabayad sa mga utang.

Pagpiyansa ni Baldo kinondena ng VACC

Kinastigo ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang desisyon ng Regional Trial Court (RTC) sa Legazpi City na nagpapalaya kay dating Daraga, Albay mayor Carlwyn Baldo, ang tinuturong utak sa pagpatay kay Ako Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe.

Nakakulong na, wanted pa

Wala pa ngang desisyon sa naunang kinakaharap na kaso, may pani­bagong asunto na naman ang isang wanted na tricycle driver makaraang matunton ito sa loob ng kulungan sa Malabon City kamakalawa.

Torture cop nabitag

arrested-timbog-arestado-002

Nadakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang AWOL na pulis-Maynila na sangkot sa pag-torture ng isang inmate sa loob ng Asuncion Police Community Precinct (PCP) noong 2010.

Nanampal, nanuntok ng kambing kalaboso

arrested

Kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos masentensyahan ng pangmamaltrato at pag-torture sa dalawang kambing matapos magbunga ang isinampang kaso ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) sa Binangonan Regional Trial Court sa Binangonan, Rizal.

Nalipat sa ibang pangalan ang titulo ng magulang

Clear It by Atty. Claire Castro

May property po na naiwan ang mga magulang namin sa a­ming 7 magkakapatid. Gumawa na po kami ng Extrajudicial Settlement of Estate pero hindi pa nabayaran ng estate tax kaya hindi pa po nalipat sa pa­ngalan namin.