Female personality problemado sa grupong tinulungan

Sagad na hanggang sa kisame ang sama ng loob ng isang sikat na babaeng personalidad sa mga taong tinutulungan niya. Umabot na siya sa sukdulan, sabihin nang duwag siya, pero gusto na niyang umurong sa mga pangakong binitiwan niya.

Gay personality super buntot sa aktor

Nang-agaw ng aten­siyon ang sobrang kakulitan ng isang gay personality sa isang party. Palagi niyang sinusundan-sundan ang isang aktor na mabuti na lang at edukado kaya hindi siya pinapatulan.