Digong tinabla ng Kamara sa divorce bill

Sa kabila ng pagtutol ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte, ina­probahan ng Kamara sa ikatlo ang huling pagbasa ang panukala sa ligalisasyon ng diborsyo sa bansa.

100-day maternity leave bill, overdue na

Nagkaisang nanawagan ang mga kongresista mula sa hanay ng administrasyon at oposisyon na aprubahan na ang House Bill (HB) No. 4113 na nagsusulong ng “expanded maternity leave” para sa mga kababaihang nagtatrabaho sa pribadong sektor at gobyerno.

Gabriela naimbyerna sa pag-asinta sa amasona

emmi-de-jesus

Tinuligsa ni Gabriela Women’s Party (GWP) Rep. Emmi De Jesus ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan sa isang pagtitipon kung saan pinuntirya at pinag-initan nito ang mga babaeng kasapi ng New People’s Army (NPA).

Progressive solons nagbunyi sa “no nuclear energy” position ni Duterte

Natuwa ang mga militanteng mambabatas sa Kamara matapos tiyakin ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang nuclear energy habang siya ang Pangulo ng bansa. Ayon kay Gabriela party-list Rep. Emmi de Jesus, nakahinga na ang mga ito nang maluwag sa kanilang ipinaglalaban na huwag buhayin ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) dahil sa posisyon ni Duterte. […]

Piso lalakas kung kakalas sa globalisasyon ng Amerika

Lalakas, hindi lamang ang ekonomiya kundi tatatag pa ang piso kapag naisakatuparan ang industriyalisasyon sa loob ng bansa na tanging paraan para makakalas sa globali­sasyon ng Estados Unidos. Ito ang paniniwala ni Gabriela party-list Rep. Emmi de Jesus kaya hiniling nito kay Pangulong Rodrigo Duterte na simulan na ang pagsusulong ng industrialization sa bansa sa […]

120 days maternity leave may pag-asa

Nakakaaninag ng paga-asa ang mga nagsusulong sa panukalang magkaroon ng 120 hanggang 150 days na maternity leave na maging ganap na itong batas matapos simulan na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagtalakay dito. Kahapon ay sinimulan na ng House Committee on Women and Gender Equality ang pagtalakay sa House Bill 2838 na naglalayong doblehin […]

Problema sa telcos kasing lala ng trapik

Kasing lala ng problema sa trapiko sa Metro­ Manila ang nararanasan ng mga subscribers sa mga telecommunication companies (Telcos) kaya dapat din itong aksyunan ng kasalukuyang admi­nistrasyon. Ito ang panawagan ni Gabriela party-list Rep. Emmi de Jesus sa kanyang privilege speech kahapon matapos personal­ na maranasan ang mga problema sa telcos tulad ng mga hidden […]

Duterte may tama sa party-list

Para sa ilang party-list congressman, may “tama” si Pangulong Rodrigo Duterte na pag-initan ang nasabing sistema dahil ginagawang daan na ito ng mga elistista upang makapasok sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Gayunpaman sa magkakahiwalay na panayam ng TONITE, sinabi ng mga party-list congressmen na hindi naman dapat itapon sa dagat ang buong sistema ng party-list […]