Liza at Sofia sapaw ni Kylie

Hindi makakailang marami talaga ang sumusubaybay sa Bagani. Pinatay na si Mayari, ang katauhan ni Sofia Andres at tila patay na rin si Ganda, ang katauhan ni Liza Soberano matapos makipagbakbakan kay Sarimaw, ang katauhan ni Ryan Eigenmann. Kawalan nga ba talaga si Andres na “special participation” lang pala sa fantaserye? Ang pagkawala ba ni Soberano ay hudyat na sa Darna remake muna ang kanyang concentration? May katotohanan nga kayang Darna and the Giants ang napipisil na i-remake at i-reimagi­ne? Dahil sa kaganapang ito, ang mga talakitok ang haka-haka, tatapusin na agad-agad ang fantaserye.

Inah, bida agad sa teledrama

Jeric Gonzales, Inah de Belen at Jake Vargas

BIDA agad si Inah de Belen sa panghapong drama series ng GMA & na Oh, My Mama, na magsisimula sa Setyembre. “I am very grateful po sa GMA for entrusting me a show as big as this,” ani Inah, na anak nina John Estrada at Ja­nice de Belen. “Though there’s pressure in me, I will […]