Jasmine mas magaling kay Anne

Bumuhos ang papuri para sa Kapuso actress na si Jasmine Curtis-Smith dahil sa kanyang natatanging pagganap bilang young Manisan sa epic-drama serye ng GMA na Sahaya. Markado ang kanyang role sa serye at lumutang talaga ang husay niya sa pag-arte. Marami ang humanga at napabilib sa kanyang performance bilang ina ni Sahaya at bumagay sa kanya ang role ni Manisan.

Nora milyones ang hinahabol sa Iriga

We learned from a reliable source na malaki raw ang laban ni Nora Aunor sa kasong ipinaglalaban niya ngayon na may kaugna­yan sa mga property niya sa Iriga na pineke umano ng mga kamag-anak niya ang dokumento.