Death penalty may tulog sa SC

lito-atienza

May tulog pagdating sa Supreme Court (SC) ang ang panukalang ibalik ang parusang kamatayan sa bansa dahil wala umanong matinding dahilan o “compelling reason” para rito. Ito ang paniniwala ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza na isa sa mga nagpahayag na agad silang tatakbo sa Korte Suprema para ipadeklara na uncons­titutional ang death penalty law […]

House of death

spy-on-the-job-newbox rey marfil

Minsan nating pinuntusan ang peligro ng pagpapasakamay sa karapatang amyemdahan ang anumang batas ng mga mambabatas tulad ng mga nasa Mababang Kapulungan ng Kongreso – hindi maiiwasang madagdagan at manganak nang manganak ang mga probisyong dapat baguhin ayon sa panawagan ng karamihan sa ating mga mamamayan. Bilang susog sa nasabing opinyon, ipinakita natin kung paano namemeligro […]

‘WORST X’MAS GIFT’

leni-robredo

‘Worst Christmas gift’ umano para sa mga Pinoy ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na pag-aaralan nito ang Saligang Batas para mapahintulutan ang pagdedeklara ng Martial Law nang hindi na kailangan pang paaprubahan sa Kongreso at sa Korte Suprema. Ito ang naging reaksyon ni Vice President Leni Robredo sa bagong pagpaparamdam ni Pangulong Duterte hinggil […]

OK lang kahit walang VP

Kung ikakabuti ng bansa, walang problema kay Vice President Leni Robredo kung walang Bise Presidente kapag tuluyang naamyendahan ang 1987 Constitution. Ito pahayag ni Robredo matapos pirmahan ni ­Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order (EO) na bubuo ng isang team na mag-aaral para amyendahan ang Saligang Batas at palitan ang sistema ng gobyerno. “Iyong sa […]

Pagsibak sa appointees ‘di labag sa batas

Hindi umano labag sa Saligang Batas ang Memo­randum Circular (MC) No.4 ni Pangulong Rodrigo Duterte, na pagsibak sa mga appointees ni dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III. Sa budget hearing ng Civil Service Commission (CSC) kahapon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, inayunan ni Assistant Commissioner of Legal Affairs ng CSC na si Atty. Ariel G. Ronquillo […]

Padilla brothers nag-volunteer ‘ibenta’ ang federal government

Bagama’t sa Enero pa posibleng simulan ng Kongreso ang pagtalakay sa pag-amyenda sa Saligang Batas, nagboluntaryo na ang magkapatid na sina Robin­ at Rommel Padilla na tumulong para itulak ang system ng Federal form of government na siyang layunin ng Charter Change (ChaCha). Kahapon ay nag-courtesy call ang magkapatid na aktor kay House Speaker Pantaleon […]

CON-CON ‘DI PINONDOHAN ; CON-ASS WALA NANG ATRASAN

Wala nang atrasan sa Constituent Assembly (Con-Ass) dahil hindi pinondohan ng Palasyo ng Malacañang sa 2017 national budget ang paghahahal ng mga delegado ng Constitutional Convention (Con-Con). Sa press briefing matapos isumite sa Kamara­ ang national budget sa 2017 na nagkakahalaga ng P3.35 trillion, sinabi ni Department of Budget and Management (DMB) Secretary Benjamin Diok­no na […]

Con-Con dapat at hindi Con-Ass

Bago pa man naupo sa Malacañang si Pangulong Rodrigo Duterte, maliwanag na Pederalismo ang anyo ng pamahaaan ang gusto niya sa Pilipinas at handa siyang tumawag ng Constitutional Convention o Con-Con na halal ng bayan ang mga miyembro at naka-pokus lang sa pag-amyenda ng Saligang Batas ang kanilang gawain. Nagbago ang ihip ng hangin nang […]

Kongresista mag-o-overtime para sa Con-Ass

house-of-representatives

Magkakayod-marino ang Kamara sakaling umarangkada na ang Constitutional Assembly (Con-Ass). Para kina Deputy Speakers Miro Quimbo, Fred Castro at Raneo Abu handa silang magpalawig ng oras sa trabaho at kahit magdagdag ng trabaho ang buong Kongreso para maisakatuparan ang kanilang mandato bilang Constituent Assembly. Ang posisyon ay inilutang ng mga lider ng Kamara sa harap […]

Party-list dapat na nga bang buwagin?

Lumalakas ang suporta sa panawagang paglusaw sa party-list system sa bansa bunsod ng umano’y panggagamit dito ng maiimpluwensiyang pulitiko upang makapasok sa Kongreso. Maliban kay Pangulong Rodrigo Duterte na naunang nagtulak­ sa pagbuwag sa party-list group ay marami pang senador at ­kongresista ang umayon sa panawagan ng Pangulo. Ang pagbuwag sa party-list ay pinaplanong isama […]