Bakal ng Estrella-Pantaleon Bridge gagawing tulay sa Pangasinan

Nagkasundo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na i-donate na lamang sa lalawigan ng Pangasinan ang mga bakal na bahagi ng Estrella-Pantaleon Bridge na isasailalim sa rehabilitasyon upang magamit muli ito at makabuo ng isang panibagong tulay.