Sino ang unang nakaikot sa mundo?

498 taon na ang labanan sa Mactan na nakapatay kay Ferdinand Magellan noong 27 Abril 1521. Dalawang taon mula ngayon, ipagdiriwang ang Kinsentenaryo (500 taong anibersaryo) ng pangyayaring ito kabilang na ang unang pag-ikot sa mundo. Sa pagkamatay ni Magellan, sa Espanyol na si Sebastian Elcano napunta ang pagkilala bilang u­nang nakaikot sa mundo bagama’t si Magellan ang nagmatapang na itu­loy ang ekspedisyon sa kabila ng napakahirap na pinagdaanan at ‘di kasiguraduhan (alam na ng maraming tao na bilog ang mundo pero hindi pa nga nasusubukan na lumusot patungo sa kabilang ibayo).