2020 budget sagana sa ‘pork’ — Lacson

Nanindigan si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na ang ilang item sa panukalang P4.1 trilyong national budget para sa 2020 ay kaduda-duda dahil sa hindi mas­yadong malinaw at ikokonsidera pa ring ‘pork’.

Ping: Mga cong tuso sa kalikot budget

Kinuwestyon ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang gawain ng liderato ng Mababang Kapulu­ngan ng Kongreso na kinakalikot pa o naglalagay ng mga insertion at realignment sa panukalang 2020 national budget kahit inakyat na ito sa Senado.

CJ Peralta nagmarka sa mga drug convict – Palasyo

Mga akusado sa Chiong sisters rape-slay hindi rin makakalaya! — Panelo

Ang magandang performance sa pagiging hukom ang isa sa naging dahilan para masungkit ni Associate Justice Diosdado Peralta ang puwestong binakante ng nagretirong si Supreme Court (SC) Chief Justice Lucas Bersamin.

Cayetano kay Ping: ‘Pork’ sa 2020 budget kalkalin mo

Hinamon ni House Speaker Alan Peter Ca­yetano ang mga mambabatas sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso partikular si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na kalkalin ang sinasabing pork barrel na isiningit sa P4.1 trillion national budget sa 2020.

Magalong may death threat

Nakatanggap umano ng death threat si Baguio City Mayor Benjamin Magalong matapos nitong isiwalat sa mga senador ang pangalan ng mga pulis na nagre-recycle ng iligal na droga.

Pag-amyenda sa child trafficking law madaliin – Palasyo

Hiniling ng Palasyo nitong Biyernes na madaliin ang pag-amyenda sa Republic Act 10364 o ang Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 na magpapataw ng mas mabigat na parusa sa mapapatuna­yang sangkot sa child trafficking.

Migz binenta si Ping, nakipag-areglo sa mga mahilig sa pork

Nagsariling kilos si Senate Majority Floor Leader Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri matapos na makipag-usap ito sa mga mambabatas para magkaroon ng ceasefire matapos nilang patutsadahan si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson kaugnay ng alegasyon nito tungkol sa ‘pork’ insertion sa 2020 national budget.