Villanueva: Duque parang weather, pabago-bago

Tiyak umano wala nang maniniwala kay Health Secretary Francisco Duque III kasunod nang pagbawi nito sa kanyang naunang pahayag na nararanasan na ang second wave ng COVID-19 pandemic sa Pilipinas, ayon sa mga senador.

18 Senate staff nahawa ng virus

Umabot na sa 18 ang bilang ng mga empleyado ng Senado ang nagpositibo sa coronavirus matapos sumailaim sa rapid testing bago ang muling pagbubukas ng sesyon kahapon.

Pagcor barado sa balik operasyon ng POGO

Binara ng dalawang senador ang panukala ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) Chairperson Andrea Domingo na ibalik ang operasyon ng mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa.

Bello: Cash aid ng DOLE posibleng ibalik

Nakikita ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang posibilidad na maipagpatuloy ang tulong pinansyal sa mga manggagawa sa formal sector matapos manawagan ang Kongreso ng karagdagang pondo para sa emergency subsidy program ng kagawaran.

Villanueva, Binay naka-quarantine pa rin

Nagpaliwanag si Senador Joel Villanueva sa hindi pagdalo sa special session ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso kung saan tinalakay ang panukala na magbibigay kay Pangulong Rodrigo Duterte ng karagdagang kapangyarihan para tugunan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis.

POGO ni Michael Yang inapi mga Pinoy worker

Inupakan ni Senador Joel Villa­nueva ang Philippine Offshore Gamin­g Operator (POGO) na pag-aari ni Michael Yang dahil walang empleyadong Pilipino at puro Chinese national lamang ang kinukuha nito para magtrabaho sa kanyang kompanya.

Mga POGO bantayan sa nCoV carrier

Pinatutukan ni Senador Joel Villanueva sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) ang mga manggagawa ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na nagmula sa mga lugar na tinamaan ng novel coronavirus sa China.