Shabu pusher sa QC ‘di maubos, 12 pa nalambat

Kahit panay ang anti-illegal drugs ope­ration ng mga pulis sa Quezon City ay hindi pa rin nila maubos ang mga nagtutulak ng droga sa lungsod makaraang malambat sa nakalipas na magdamag ang 12 pang tulak nitong Linggo ng madaling-araw.

2 pusher sa Meycauayan kumasa, patay

Dalawang shabu pusher na kapwa nasa drug watchlist ng pulisya ang napatay makaraang kapwa manlaban nang tumangging magpadakip sa Meycauayan City police matapos ang buy-bust operation sa Barangay Bayugo, Meycauayan City, Bulacan kamakalawa.

Bulacan buy-bust, 1 patay

Isa na namang shabu pusher ang napatay nang manlaban sa awtoridad habang dalawang babaeng kasama nito ang nadakip nang mahuling bumabatak ng droga sa isinagawang buy-bust operation sa Bocaue, Bulacan kamakalawa. Sa inisyal na report, kinilala ng pulisya ang napatay na pusher na si Joselito Joson, nasa hustong gulang at residente ng nasabing bayan habang […]

Illegal drug campaign sa Bulacan kumalma

Mistulang kumalma ang maigting na kampanya ng Bulacan PNP laban sa droga makaraang dumalang ang kanilang napapaslang na shabu pusher at  kaunti na rin ang kanilang nahuhuling tulak at drug addict bagama’t umabot na sa 16 na tulak ang napaslang ngayong buwan ng Setyembre ngunit mas mababa ito kung ikukumpara sa nakalipas na dalawang buwan. […]

Drug pusher sa Bulacan, nanlaban patay sa buy-bust

Isang notorious shabu pusher na kabilang sa watchlist ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) ang napatay makaraang manlaban sa buy-bust operation sa Barangay Matictic, Norzagaray, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Supt. Rizalino A. Andaya, Norzagaray police chief, ang napatay na suspek na si Cristito Calimpas, nasa hustong gulang ng Sitio Lupa, Barangay Matictic, Norzagaray […]

Tulak todas sa Bulacan drug-bust

Isang shabu pusher na may nakabinbin na kasong robbery at child abuse sa Malolos Regional Trial Court ang napatay nang manlaban sa drug buy-bust operation sa Barangay Palapat, Hagonoy, Bulacan kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang napaslang na pusher na si Honorio Juliano y Aguilar alyas ‘Tebat’, nasa hustong gulang ng Sityo Sucol, Barangay San Sebastian, […]

2 tulak patay, 1 nadakip sa Bulacan

Dalawang shabu pusher ang napatay habang isa pa ang nadakip at makumpiskahan ng baril at droga matapos mauwi sa engkuwentro ang buy-bust operation ng city police sa magkasunod na operasyon sa Bgy. San Rafael I at Bgy. Guico, San Jose del Monte City, Bulacan kamakalawa. Napaslang sina alyas Dagul ng Bgy. San ­Rafael 1 at […]

Tulak na wanted sa Bulacan napatay, 2 pa nasakote

Isa pang notorious shabu pusher na kabilang sa listahan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Bulacan ang napatay ­habang dalawa pang wan­ted din sa illegal drug activities ang nadakip makaraang maghain ng magkakasunod na search warrant ang awtoridad sa San Jose del Monte City, Bulacan kamakalawa. Kinilala ni P/Supt. Wilson Magpali, San Jose del Monte City police chief, ang […]