Gabby ready nang magkaapo kay KC

Okay na okay kay Gabby Concepcion kung sakaling magbabalik-showbiz talaga ang anak niyang si KC Concepcion. Kamakailan nga kasi ay nag-post ang dalaga na nami-miss na raw niyang umarte. “Anytime naman, yayakapin naman siya ng industriya, eh. Ayaw pa niya eh, dahil in-love,” reaksyon ni Gabby nang makausap namin sa set ng “Love You Two.”

Shaira sinorpresa ng mga fan

Speechless ang “Love You Two” star na si Shaira Diaz sa super cute surprise party na inorganisa ng kanyang fans para sa kanyang kaarawan. Todo pasasala­mat ang aktres sa kanilang suporta at pagmamahal. Masaya rin siya dahil naka-bonding niya ang kanyang supporters. Samantala, patuloy ang pag-arangkada sa TV ratings ng “Love You Two.” Bentang-benta sa mga netizen and viewer ng programa. Kilig na kilig sila sa mga eksena nina Jennylyn Mercado, Gabby Concepcion at Shaira! Gabi-gabi pa itong trending sa social media. (Roldan Castro)

Jennylyn romcom queen sa tele-pelikula

Dadalhin ni Jennylyn Mercado ang pagiging­ “movie romcom queen” sa kanyang bagong serye na “Love You Two.” Magsisimu­la ito sa April 22 sa GMA Telebabad. Bagong putahe ang ipapatikim niya dahil si Gabby Concepcion ang kanyang leading man sa isang rom-com serye. Gaganap si Jennylyn bilang Raffy na magpo-propose ng kasal sa kanyang boyfriend. Mapasagot kaya niya ito ng oo? Ano ang magiging bahagi ng […]

Chai parang asong tumatahol

Akala mo kagandahan itong starlet na si Chai Fonacier sa pagtatahol at pagre-react sa paggamit ng Abante Tonite sa salitang ‘dating beki’ ang nanalong best actress sa CinemaOne Originals.

Jasmine out kay Alden

abante-tonite-jasmine-smith-alden-richards

Matitigil na ang mga basher ni Jasmine Curtis Smith dahil hindi totoo ang tsikang itatam­bal siya kay Alden Richards ngayong isa na siyang Kapuso.

Alindog ni Shaira pinakawalan ni EA

Tulo-laway ang mga kalalakihan sa picture na pinost ni Shaira Diaz sa kanyang instagram account. Ang seksi naman kasi ngayon ng dalaga na talagang gugustuhin siyang matikman ng mga barako na hayok sa laman. Hindi kaya nagsisisi na ngayon si Edgar Allan Guzman na hiniwalayan niya si Shaira? Iba na tuloy ang makikinabang sa magandang hubog ng katawan nito. Pero may nagsasabi naman na hindi raw totoong break na ang dalawa, sila pa rin daw hanggang ngayon.