Mick Jagger keber kahit naoperahan sa puso

Ang frontman ng Rolling Stones na si Mick Jagger ay bumalik na sa entablado. Nag-perform siya sa Soldier Field Stadium, Chicago, Illinois matapos siyang maoperahan sa puso noong Abril sa New York. Sumailalim sa heart valve replacement ang 75-year-old singer na naging dahilan ng delay ng concert tour ng banda.