Solenn sumasabog ang alindog
Ang hot naman talaga ni Solenn Heussaff! Sumasabog ang kanyang alindog. Para siyang klima ngayong tag-init sa ‘Pinas.
…
After Alyas Robinhood, si Solenn Heussaff muli ang magiging leading lady ni Dingdong Dantes sa bagong GMA-7 primetime drama na Cain at Abel pero aniya, ibang-iba naman ito this time dahil mas mabigat daw ito ngayon bukod pa nga sa dalawang hari ng Kapuso ang kasama niya (the other one is Dennis Trillo)….
Aba sa edad na 33 ni Solenn Heussaff puwede niyang kabugin ang mga mas batang sexy actress.
…
In fairness ay handa na si Solenn Heussaff na bigyan ng anak ang mister niyang si Nico Bolzico, na nanghihingi na sa kanya ng baby. Pero ang sabi ni Solenn ay baka next year pa ‘yon dahil gusto niya pang mag-travel at mag-work pa more.
…
Nag-enjoy kami sa My 2 Mommies na napanood namin sa red carpet premiere nito nu’ng Lunes, sa SM Megamall Cinema 7. Ang saya ng pelikula, na ang dami ring tender and touching moments kaya laugh and cry kami habang nanonood.
…
Ang paparating na pelikula ni Paolo Ballesteros, ang My 2 Mommies, ang magpapatotoo na siya talaga ang Millennial Vilma Santos at hindi forever number 2 sa Millenial Nora Aunor, si Vice Ganda.
…