Pagasa nagbabala sa gumagamit sa ahensya para sa solicitation

Ngayong Kapaskuhan kung saan maraming mga gumigimik para makalikom ng pera, nilinaw ng Phi­lippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na hindi ito nanghihingi ng anumang donasyon o nagso-solicit para sa anumang foundation.