Bangayan  na naman!

spy-on-the-job-newbox rey marfil

Mabuti naman at nilinaw ni House Speaker Bebot Alvarez sa publiko na hindi tungkol sa “bebot” ang ugat ng hidwaan nila ni Davao del Norte Rep. Tony Floirendo matapos ipahayag Alvarez sa media ang totoong dahilan ng ali­tan nila ni Floirendo kaugnay sa ma-anomalyang kontrata sa pagitan ng Tagum Development Corporation (Tadeco) at Bureau of Corrections (BuCor). Naniniwala kasi si Speaker Alvarez na maitu­turing na “disadvantageous to the government” ang nasa­bing kontrata dahil halos P25 bilyon umano ang nawawala sa ating pamahalaan sa ilalim ng hindi patas na kontrata sa pagitan ng Tadeco, na pag-aari ng pamilya Floirendo, at Bucor. Ang tanong nga lamang dito ay kung ano naman kaya ang nagtulak kay Mr. Speaker para ­magsampa ng kaso laban dito kay Congressman Floirendo sa Ombudsman gayong pareho naman silang kaalyado ni Pangulong Duterte, ika nga eh die-hard supporter sila ng Pa­ngulo, para silang […]

Kalokohan!

Bago pa man tumakbo at naupong kongresista, abot sa kaalaman ng mga miyembro ng Lower House ang kurtosiyang umiiral kaya’t anong pinagpuputak at ipinangangalandakan sa media ng mga ito na kanilang ipapatawag si senadora Leila de Lima sa public hearing. ‘Wag na natin banggitin ang pangalan ng mga nagkukunyaring “henyo” sa Kongreso at baka sumikat […]