Titser tinodas ng sundalong bf saka nag-suicide

Nabulabog ang mga mag-aaral at mga guro sa Tambubong Elementary School sa Bocaue, Bulacan kahapon nang umaga makaraang patayin sa harap ng kanyang mga estudyante ang isang titser ng karelasyon nitong sundalo na nagpakamatay naman matapos barilin ang biktima.