Mayor, misis at driver inambus

Sugatan ang mayor ng Lumbaca-Unayan, Lanao del Sur kabilang ang kabiyak nito at kanilang driver matapos silang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin habang sakay ng kanilang pick-up sa Cagayan de Oro City kahapon ng umaga.

Bombero pisak sa 18-wheeler

Isang bombero ang nasawi habang sugatan ang kanyang kasamahan nang maaksidente ang sinasakyan nilang fire truck at sumalpok sa 18-wheeler truck sa Quezon City, Linggo ng gabi.

NPA patay, sundalo sugatan sa sagupaan

Patay ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) habang sugatan ang isang sundalo sa naganap na engkuwentro kahapon ng umaga sa Sitio Panakan, sa bayan ng Socorro, Oriental Mindoro.

Toyota Innova humarurot Lolo todas, 5 sugatan

Patay ang isang senior citizen samantalang limang katao ang sugatan makaraang araruhin sila ng isang Toyota Innova habang nag-aabang ng kanilang masasakyan sa tapat ng isang mall sa EDSA, Quezon City, Linggo ng madaling-araw.

6 estudyante sa tricycle, nalaglag sa bangin

Sugatan ang anim na estuyante ng Piddig National High School (PNHS) matapos malaglag sa ba­ngin ang sinasakyan nilang tricycle na sakop ng Brgy. 23 San Angres, Sarrat, Ilocos Norte noong Lunes.