Maguindanao mayor namakyaw ng gulay para relief aid

Binili ng isang alkalde sa Maguindanao ang bagong ani na gulay ng mga magsasaka sa kanilang bayan at ni-repack ang mga ito para ipamigay na relief goods sa kanyang mga kababayan na apektado ng krisis dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Binili ng isang alkalde sa Maguindanao ang bagong ani na gulay ng mga magsasaka sa kanilang bayan at ni-repack ang mga ito para ipamigay na relief goods sa kanyang mga kababayan na apektado ng krisis dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Krimen sa Soccsksargen bumaba

Iniulat ng Police Regional Office sa Soccsksargen na bumaba ang bilang ng mga krimen sa mga probinsyang sakop ng nasabing rehiyon dahil na rin sa ipinatupad na enhanced community quarantine sa maraming lugar dito.

Pang-aapi sa mga frontliner itigil – DOH

Kinondena ng Department of Health (DOH) ang pag-atake, harassment at diskriminasyon sa mga health care worker na siyang nangunguna sa pagsisikap ng pamahalaan na mapigilan ang paglaganap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Total lockdown dineklara sa SOCCSKSARGEN

Umaabot sa 172 pulis ang ikinalat sa mga boundary ng Region 12 o SOCCSKSARGEN matapos na ilagay ito sa total lockdown na magsisimula hatinggabi ng Lunes, Marso 23, dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Menor-de-edad 4 beses binaril habang naglalaro

riding-in-tandem

Isang menor-de-edad na lalaki ang nasawi matapos itong pagbabarilin ng hindi pa kilalang riding-in-tandem na mga suspek Miyerkoles nang umaga sa bayan ng President Quirino sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Radio station manager inambus

Kritikal ngayon ang isang broadcaster matapos tambangan ng riding in tandem habang nag-aabang ng tricycle sa Brgy. New Isabela, Tacurong City, Sultan Kudarat, Miyerkoles nang tanghali.

P4B naglaho sa KAPA, Pulis Paluwagan scam

Umaabot sa P4 bilyong halaga ang nag­laho sa mga residente ng General Santos City at sa mga karatig lugar nito matapos mabiktima ng investment scam na laga­nap sa nasabing lungsod.

3 patay, 2 nawawala sa salpukan ng bangka

Sinalubong ng trahedya ang paglalayag ng dalawang bangka sa ilog matapos na magsalpukan ang mga ito na nagresulta sa pagkamatay ng tatlong katao habang dalawa ang nawawala pa sa Sultan Kudarat, Maguindanao nitong Linggo.

Nagsawa sa katatago, 19 NPA sumuko

Sa kagustuhang magkaroon na ng maayos na pamumuhay na walang takot na lalabas ng bahay kasama ang kanilang mga pamilya ay kusang loob nang sumuko sa pamahalaan