Summer gala
May plano ka na ba para sa Summer get away mo? May naisip ka na ba kung Saan ka pupunta ngayon Summer? Napaaga ngayon ang Summer ng family ko kasi ayaw namin makipagsiksikan sa mga bus station kaya ngayon pa lang inuumpisahan na namin pumunta sa mga lugar na gusto naming mapuntahan. Isa sa una namin pinuntahan ay ang bayan ng Isabela sa Norte. May 12 oras ang biyahe kaya ayaw po namin magdala ng sasakyan dahil mahirap mag-drive sa malayong lugar kasi nakaka-stress sa traffic at long drive. Kaya naman naisip namin na sumakay sa Victory Liner. Nakatutuwa kasi mas kumportableng sumakay sa bus lalo na kasi may sariling toilet sa loob ng bus at kumportable ang mga umpuan. May Libreng water bottle pa at mamon. Nakarating kami ng Isabela nang maayos at ligtas dahil sa maayos ang pagtakbo ng bus driver.
…