‘Di nakatupad sa kontrata

Ako ay isang masugid na tagasubaybay ng iyong co­lumn. Gusto kong ­malaman ang tamang proseso tungkol sa hindi agad nabayaran na lote o lupa.

May gamot ba sa stress?

Kamakailan ay may nakausap tayong tagasubaybay natin at ang tanong niya ay “ano po ang pinakamagandang gamot para mawala ang stress?” Madalas kong biro ay mabuti na may stress kayo sa buhay dahil si­gurado kayong buhay kayo, dahil kung wala, malamang iba na ang mga nase-stress para sa inyo dahil nakabaon na kayo sa lupa. Sa totoo lang, hindi naman stress ang tunay na nagbibigay ng problema sa atin. Ang talagang salarin ay kung papaano natin nararamdaman ang mga ito at kung ano ang ginagawa natin para dito. Kaakibat ng stress ay ang mga problema. Mapaproblema sa trabaho, sa pamilya, sa bahay, sa kapitbahay, saan man o kung sino man.

Cardio-pulmonary clearance

Kamakailan ay mayroon tayong tagasubaybay na sa kasamaang palad ay mangangailangan ng operasyon sa binti dahil sa isang aksidente. Ngunit hindi dito ang kanyang pakay kundi ay “Bakit ko po kailangan na mag-undergo ng CP clearance? Malakas naman po ako at wala naman sakit o nararamdamang kakaiba. Bata pa po ako sa eded na 32-anyos. Saka med­yo makakadagdag sa gastusin dahil mada­ming pinapagawa at kinakailangan pang pumunta ako sa ibang doktor. Baka naman puwedeng hindi ko na gawin eto. Salamat po sa dami ng tanong ko.”

Bakit natin kailangan ang potassium?

Mayroon tayong tagasubaybay na sumulat, “ano po ba ang potassium, ano ang ginagawa nito at bakit kailangan natin ito. Naospital ako dahil sa panghihina ng katawan, parang ngalay, sumasakit ang tuhod ko, tumataas ang BP at sinabi na ito ang sanhi ng problema ko. Sana mapaliwanagan po ako, Salamat and more power po, Jenny”