Korona sa Manhunt International babawiin ng ‘Pinas

Sino nga ba ang tatanghalin na winner sa nalalapit na Manhunt International 2020. Ngayon February 22, 2020 gaganapin ang coronation night ng 20th Edition Manhunt International World final sa Manila, Philippines-KIA Theatre Quezon City. Maglalaban-laban ang mga representative ng bawat bansa na kalahok na kinabibilangan ng ating pambato na si Daumier Corilla, 24 years old from Mandaluyong City. Si Corilla ay isang actor at modelo na pambato ng Pilipinas. Ang pambato ng Pilipinas na si June Macasaet na modelo, ang nagwagi noong 2012.