Binigyan ng maraming dolyares sa bangko

Ano po kaya ang ibig sabihin na nana­ginip po ako na ako ay pumunta sa bangko at nagulat ako pagdating ko sa teller ay may lumapit sa akin na empleyado ng bangko at inilapag sa aking dala­wang kamay ang maraming pe­rang papel at ito ay dollar pa. Nagulat kasi ako sa sobrang dami nito at sa isip ko bakit ako pa ang binigyan ng bangko samantala sa totoong buhay po kasi ay meron po akong hindi nababayaran na credit card. Hindi ko po alam ang gagawin ko sa da­ming perang dollar ang nasa dalawang palad ng kamay ko sa aking paniginip.