Meralco, Ginebra Rematch sa Finals

Tumaas ang boltahe ng Meralco Bolts sa second­ half, kinuryente ang TNT KaTropa, 89-78, sa do-or-die Game 5 ng kanilang semifinals series kagabi sa Ynares Sports Center sa Antipolo City upang makipag-areglo ng best-of-seven titular showdon kontra crowd darling Barangay Ginebra sa 2019 PBA Governors Cup simula Enero 8.

Durham, Meralco nag-alsa sa Game 2

Durham, Meralco nag-alsa sa Game 2

Walang kahirap-hirap na tinabla ng Meralco Bolts ang serye sa 1-1 matapos tambakan ang TNT KaTropa 114-94 sa Game 2 ng PBA Governors’ Cup best-of-five semifinals kagabi sa Araneta Coliseum.

McDaniels, TNT nakauna sa Meralco

Ibinulsa ng TNT Ka­Tropa ang importan­teng­ unang panalo Linggo ng gabi matapos biguin ang Meralco Bolts, 103-94, sa Game 1 ng sarili nitong best-of-five semifinals series sa 2019 PBA Governors Cup sa Smart Araneta Coliseum.

McDaniels tinumba ang SMB

Nagtulong sina import KJ McDaniels at Troy Rosario upang itulak ang TNT KaTropa sa 115-109 pagwawagi kontra San Miguel Beer tungo sa pagsungkit sa ikatlong puwesto sa quarterfinals ng 2019 PBA Governors Cup sa Ynares Center sa Antipolo.

Travis, Hotshots syut sa q’finals

Ipinagpatuloy ni Romeo Travis ang pangunguna sa nagtatanggol na kampeong Magnolia Hotshots upang bitbitin ito sa 100-93 panalo kontra TNT KaTropa sa out-of-town game kagabi ng 2019 PBA Governors Cup sa University of Southeastern Philippines Gym sa Davao City.

TNT KaTropa nalasing sa free throw ni Brownlee

Nagsalpak ng pressure-packed two free throws si Justin Brownlee, sablay naman ang isa sa dalawang foul throw ni KJ McDaniels at hindi man lang tumama sa ring ang pang-OT sanang three-point attempt ni Ray Parks Jr. para itakas ng Barangay Ginebra Gin Kings ang 96-93 panalo kagabi kontra TNT KaTropa sa ikalawang laro ng eliminasyon sa PBA Governors Cup sa SMART Araneta Coliseum.

KaTropa nagpalakas, kinuha si Digregorio

HINDI pa nagtatagal matapos ang surpresang palitan sa mga big men na sina Moala Tautuaa ng NorthPort Batang Pier at Christian Standhardinger ng San Miguel Beer ay naganap din Biyernes ng gabi ang biglaang pagpapalitan sa shooter na si Mike Digregorio ng Blackwater Elite kapalit ni Brian Heruela ng TNT KaTropa.

2 free throw ni Rosario nagpanalo sa KaTropa

Pinanatili ng TNT Katropa ang malinis nitong kartada matapos manganib madungisan sa pagtakas sa 103-100 panalo kontra NorthPort Batang Pier sa eliminasyon ng 2019 PBA Governors Cup sa Cuneta Astrodome.

Castro umarangkada, KaTropa angat sa Dyip

NAGPAMALAS ng katatagan ang TNT KaTropa sa krusyal na bahagi ng labanan upang itakas ang 125-120 panalo kontra Columbian Dyip sa tampok na laro Sabado ng gabi sa eliminasyon ng 2019 PBA Governors Cup sa Ynares Center sa Antipolo City.