USTe happy pa rin kahit talo

Hindi man pinalad na kunin at ­ibalik ng UST Growling Tigers ang ­korona sa Espana matapos silang ­matalo ­kahapon sa Ateneo Blue ­Eagles ay tingin ng mga netizen na magandang panimula pa lamang ito ng paglalakbay nila sa UAAP men’s basketball.

ISINARA NG FALCONS

Patrick Adalin

Kinumpleto ng Adamson ang Final Four cast ng Season LXXIX UAAP men’s basketball tournament matapos itaob ang University of Sto. Tomas, 76-61, kahapon sa Mall of Asia Arena. Sumakay ang Soaring Falcons kina Jerrick Ahanmisi at Robbie Manalang na nagtala ng tig-16 puntos para ilista ang 7-5 karta. Huling sampa ng ­Adamson sa semifinals ay […]

Maroons, Falcons rumesbak

Sinangkalan ng UP Fighting Maroons ang bench para kumpletuhin ang resbak sa UST Growling Tigers, 74-69, at nabuhayan pa sa playoff para sa fourth and final berth sa semifinals ng Season LXXIX UAAP men’s basketball, kagabi sa The Arena sa San Juan. Tinapos ng UP ang 19-game losing skid na umabot ng halos isang dekada […]

Archers muntikan sa Falcons

Nakaligtas ang De La Salle Green Archers sa matatalim na kuko ng Adamson Growling Falcons matapos panain ang pahirapang 86-79 panalo kagabi sa Season LXXIX ng UAAP men’s basketball sa Mall of Asia Arena. Kumayod si big man Ben Mbala ng 18 points at 10 rebounds para ipinta ang malinis na walong panalo ng Green […]

Breakthrough win susundan ng Warriors

Sinuwag dito ni Monbert Arong (12) ng FEU si Paul Varilla (10) ng UE nang hindi maiwasan ang nasa kanan na si Edson Batiller. Sinagasaan ng Tamaraws ang Warriors 67-59. (Patrick Adalin)

Mga laro ngayon (MOA Arena) 2:00 p.m. — UST vs. UE 4:00 p.m. — Ateneo vs. UP Pitong subok bago­ nailista ng UE Red W­arriors ang unang­ panal­o sa LXXIX Seaso­n ng UAAP men’s basketball.­ Muntik mabokya sa first round, naihabol ng Warriors ang 65-57 panal­o kontra Adamson Soaring Falcons. “I thought I won’t see […]

Magic Hugot ‘di umubra sa Archers

Jhay Jalbuna

Hindi napagana ni Adam­son coach Franz Pumaren ang mahika laban sa dating koponan na La Salle, hindi umubra ang kanyang Magic Hugot mula sa Falcons bench sa mata­talim na pana ng Archers. Pinulutan ng Green Archers ang Soaring Falcons 91-75 para ilista ang panlimang sunod na panalo sa gayunding dami ng laro sa Season LXXIX ng UAAP […]

ARCHERS PASADO

Pag-angat ni Ben Mbala (kaliwa) ng La Salle ay halos sure-two na nang hindi mapigil ni Tzaddy Rangel ng NU. Pinana ng Archers ang pang-apat na sunod na panalo sa UAAP 79 nang kubabawan ang Bulldogs 75-66. (Patrick Adalin)

Mga laro sa Miyerkules (MOA Arena) 2:00 p.m.– UE vs. UP 4:00 p.m. — Adamson vs. NU Napiga pero nakapasa ang De La Salle sa pinakamatinding pagsubok na hinarap nila sa Season LXXIX ng UAAP men’s basketball. Sa Smart Araneta Co­liseum kahapon, naiwan ng siyam ang Green Archers pero hindi nawala sa porma hanggang panain […]

TAMS PINAAMO NG ARCHERS

Nakuha ni Jero­n Teng ng La Salle ang loose ball, nilaktawan ang napadapang si Raymar Jose ng FEU at rumagasa na sa kabila. Tumabo si Teng ng 28 points at pinaamo ng Archers ang Tamaraws, 83-78. (Jhay Jalbuna)

Ipinaramdam ng De La Salle University Green Archers ang lakas matapos panain ang defending cham­pion Far Eastern University Tamaraws, 83-78, kahapon sa Season LXXIX ng UAAP men’s basketball sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Tumuhog si Jeron Teng ng 28 points, may 13 puntos si big man Ben Mbala para ilista ang unang panalo sa season ng title favorite Green Archers. […]