TWICE-TO-BEAT ANG EAGLES!

Nakahiga na si Robbie Manalang ng Adamson, pero hindi tinantanan ng dalawang blue shirts ng Ateneo na sina Antonio Asistio (kaliwa) at Michael Nieto. Nailipad ng Eagles ang pahirapang 73-67 win para dumapo sa No. 2 sa Final Four ng UAAP LXXIX basketball. (Jhay Jalbuna)

Dinagit ng Ateneo Blue Eagles ang twice-to-beat advantage sa Final Four matapos paluhurin ang Adamson Soaring Falcons 73-67 kahapon sa pagtatapos ng UAAP Season LXXIX men’s basketball eliminations sa Mall of Asia Arena. Nagsumite si Thirdy Ravena ng 14 points, 13 rebounds at five assists at tinapos ng Eagles ang regular season sa 10-4 win-loss […]