BEGINNER’S LUCK

Si Coach Aldin Ayo habang minamanduhan ang La Salle Green Archers laban sa Ateneo Blue ­Eagles sa UAAP Season 79 basketball championship. Sa parehong rookie season, ibinulsa ni Coach Aldin ang titulo ng NCAA at UAAP. (Patrick Adalin)

“We embraced the pressure all season long, then we got to the Finals against Ateneo, the more the pressure got heavier because of the hype due to the rivalry,” ani Ayo.

BACK ON TOP!

DOMINANCE --- Si Finals MVP Jeron Teng nang tinastas ang net sa Smart Araneta Coliseum matapos kumpletuhin ng La Salle ang dominasyon sa UAAP Season LXXIX, huli ang 79-72 win laban sa Ateneo para walisin ang Eagles sa Finals. (Patrick Adalin)

“Sobrang hirap nito, ang daming pressure pero ayaw magpatalo ng players and coaches,” masayang saad ni DLSU head coach Aldin Ayo.

MBALA, MVP!

Umalingawngaw sa MOA Arena ang sigaw ni Ben Mbala ng La Salle matapos itakas ng Green Archers ang 67-65 win kontra Ateneo sa opener ng UAAP Season LXXIX men’s basketball finals noong Sabado. (Jhay Jalbuna)

Walang makapigil kay La Salle big man Ben Mbala kapag nangangalabaw sa laro. Suma-tutal, hindi na rin mapipigalan ang paghirang sa kanya bilang Most Valuable Player ng UAAP Season LXXIX seniors men’s basketball tournament. Nirehistro ni Cameroonian Mbala ang impresibong 92.43 statistical points (SPs), pormal niyang tatanggapin ang highest individual award bago ang Game 2 […]

Baby Falcons ‘di natinag sa tuktok

Tinambakan ng ­Adamson University ang De La Salle-Zobel 78-53 para pahabain ang malinis na karta sa lima sa UAAP Season LXXIX juniors basketball tournament sa Filoil Flying V Centre. Nagtala ng 22 ­puntos si Encho Serrano, kumana sina Jason Celis at Gerry Abadiano ng 15 at 10 points at nanatili ang Baby Falcons sa tuktok ng […]

BURADO SA TAMS

Si Raymar Jose (gitna) ng FEU habang nakikipag-unahan sa pagdamba sa loose ball kina Matthew Nieto (kaliwa) at Rafael Verano (kanan) ng Ateneo. Tumabo si Jose ng 20 points, 23 rebounds para giyahan ang Tamaraws sa 62-61 win at puwersahin ang do-or-die kontra Eagles sa UAAP 79 semis. (Patrick Adalin)

Kumayod nang todo si graduating big man Raymar ‘Toto’ Jose para pasanin ang No. 3 Far Eastern University sa ga-buhok na 62-61 panalo kontra pinapaborang No. 2 Ateneo kahapon sa opener ng kanilang semifinals series sa UAAP Season LXXIX men’s basketball sa Mall of Asia Arena. Humarabas ng 22 points at 23 rebounds si forward […]

Lady Warriors umusad

Humaba ang hini­nga ng UE matapos patalsikin ang Adamson 48-45 sa UAAP Season LXXIX women’s basketball stepladder semifinals kahapon sa Mall of Asia Arena. Hinabol ng Lady Warriors ang 15-point deficit para malaktawan ang first step-ladder match. “We are blessed. ­Hindi sila bumibitaw,” wika ni UE coach Aileen Libornio. Tumipa si Ruthlaine Tacula ng 11 points, ­kumana si Eunique Chan ng 11 markers at […]

Lady Bulldogs dumikit sa outright finals

Pinasan ni Jack Da­niel Animam ang r­eigning two-time champion National University para kalusin ang De La Salle 93-77 at lumapit sa outright Finals ng UAAP Season LXXIX wo­men’s basketball kahapon sa Smart Araneta Coliseum. Kumayod si Animam ng 25 points, 22 rebounds four blocks sa 32 minutong laro para sa Lady Bulldogs na nilista ang […]

BANGIS NG BULLDOGS ILABAS NA

Mga laro ngayon: (Smart-Araneta Co­liseum) 2:00 p.m. — DLSU vs UE 4:00 p.m. — UP vs NU Kailangan nang ilabas ng National University ang kanilang bangis­ bago mahuli ang lahat. Nasa fifth place ang Bulldogs sa team standings tangan ang 4-7 card, tatlong laro na lang sila kaya namimiligro na itong hindi makasampa sa semi­finals ng […]

Dominasyon sa taekwondo itutuloy ng UST

Misyon ng University of Santo Tomas na pana­tilihin ang dominasyon sa UAAP Season LXXIX taekwondo tournament na sisipa ngayong araw sa Ateneo Blue Eagle gym. Sasandalan ng Grow­ling Tigers sa four-day tournament sina vete­ran internationalists Jocelyn Ninobla at Rodolfo Reyes, Jr. na target ang pangatlong titulo sa na­kalipas na apat na taon. Pangungunahan ni reigning men’s MVP Joaquin Mendoza ang UST na puntirya rin ang […]