Huling baraha

Noong Disyembre 5, inanunsyo ni Pangulong Duterte sa harap ng mga opisyal ng gobyerno na nakapulong sa Albay, na ipadadala niya sa Utrecht si Secretary Silvestre Bello III, ang pinuno ng peace panel ng gobyerno, upang kausapin si Jose Maria Sison tungkol sa pagbuhay muli ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng National Democratic Front.