Kazakh IM dinurog ni Doroy

chess

Pinisak ni Woman FIDE Master Allaney Jia Doroy si second seed International Master Gulishkan Nakhbayeva ng Kazakhstan upang manatiling may tsansa sa asam na titulo matapos ang fourth round ng 7th Asian Continental Chess Championships (2nd Manny Pacquiao Cup) sa Tiara Hotel sa Makati City, ­Huwebes ng gabi.