Juday, Piolo, Yassi wasak sa pagsara ng Dos

Hindi nag-iisa si Coco sa pagsasabi ng kanyang saloobin dahil pati ang ibang Kapamilya stars ay nagsipag-post din sa kani-kanilang social media accounts para ikondena ang pagsasara ng kanilang home network at ibahagi ang kalungkuta’t galit na nararamdaman. Lahat ay durog na durog at wasak na wasak ang puso.
Yassi, Issa naulila sa ama

Pumanaw na ang ama nina Yassi at Issa Pressman na si Ronald Pressman kahapon, Pebrero 6. Binawian ito ng buhay sa St. Luke’s Medical Center, BGC matapos isugod doon nang atakehin sa puso noong Peb. 2, at bunga na rin umano ng kumplikasyon dala ng katandaan. Siya ay 90-anyos.