Sanggol natagpuang nakalutang sa ilog

Palutang-lutang kasama ng bunton ng basura nang matagpuan ang wala nang buhay na bagong silang na sanggol sa ilog ng Barangay Cabato Road, Zamboanga City kahapon ng umaga (May 2).
Abu Sayyaf timbog sa Zamboanga City

Arestado ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) matapos ang pinagsanib na operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Operation Group, Regional Field Unit 9 at Zamboanga City Police Sabado ng hapon sa nabatid na lungsod.
Magsasaka na Boksingero

Hindi pa tapos ang misyon ng dating mahiyaing batang magbubukid mula sa Lunzuran, Zamboanga City na si Eumir Felix Marcial matapos maabot ang unang pinakaaasam na makatapak sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan sa darating na Hulyo 24-Agosto 9.
12 biktima ng trafficking hinarang ng BI

Naudlot ang pag-alis sana ng 12 hinihinalang biktima ng human trafficking na nagtangkang umalis ng bansa sa pamamagitan ng southern backdoor matapos mabuking ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa international seaport sa Zamboanga City.
Kontrata ng Zamcelco, Crown Investment iligal

Dumulog na ang mga residente ng Zamboanga City kay Energy Secretary Alfonso Cusi sa pagpipilit ng National Electrification Administration (NEA) sa diumano’y irregular na kontrata ng Zamboanga City Electric Cooperative Inc. (Zamcelco) at ng Crown Investment Holdings Inc.
‘Costly faults’ sa bidding ‘di naitanggi ng DOE

Hindi na naitanggi ni Department of Energy (DOE) budget sponsor, Appropriations Committee vice chairman at Zamboanga City 2nd district Rep. Manuel Jose Dalipe, sa pamamagitan ng budget sponsor nito sa ginanap na pagdinig sa Kamara para sa panukalang 2020 P4.1 trilyong national budget, ang maaaring ‘costly faults’ sa 2018 department circular (DC) na sakop ang ‘bidding’ para sa mga power contract.
Helterbrand, Imus titibag sa GenSan

Puputulin ng Imus Bandera sa pangunguna nina former Philippine Basketball Association Most Valuable Player Jayjay Helterbrand at James Martinez ang 7-game winning streak ng GenSan Warriors Burlington sa 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Cup 2019 elims ngayong alas-6:30 Sabado ng gabi sa Mayor Vitaliano D. Agan Coliseum, Zamboanga City.
2 kaaway nasalubong kinatay

Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang binata ang dalawang lalaki na dati na niyang kaaway nang magsalubong ang kanilang landas sa Zamboanga City Linggo nang gabi.
Dalaga 4 beses binaril ng basted na suitor

Patay ang isang 22-anyos na dalaga matapos itong pagbabarilin ng binasted na manliligaw Huwebes nang gabi sa Calarian, Zamboanga City.
Zambo power crisis, babala sa PSAs

Binigyang-diin ng Murang Kuryente Party-list (MKP) na mistulang babala ang kasalukuyang krisis sa kuryente sa Zamboanga City at kung gaano maaapektuhan ang publiko ng problematikong power supply agreements (PSA) kung hindi ito kukuwestiyunin ng pamahalaan.