Zika case 25 na

Umabot na sa bilang na 25 ang naitalang dinapuan ng Zika virus sa bansa. Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Paulyn Jean Rosell-Ubial, nanga­ngahulugan ito na nadagdagan pa ng anim ang dating 19 na kasong naitala ng DOH. Hindi naman na binanggit ng kalihim kung saang mga lugar naitala ang nasabing bagong kaso ng […]

Zika virus case sa Metro nadagdagan

Nadagdagan pa ang mga kaso ng Zika virus sa Metro Manila makaraang iulat kahapon ng Department of Health (DOH) na isang lalaking taga-­Mandaluyong at isang babaeng taga-Makati ang nagpositibo sa naturang sakit. Nabatid na ang dalawa­ ay karagdagan sa naunang­ 15 kaso na kinumpirma ng DOH noong nakalipas na linggo. Magugunita na ang naunang mga […]

PH may 3 bagong kaso ng zika

May panibagong tatlong kaso ng zika virus ang nakumpirma ng Department of Health (DOH) ­dahilan para pumalo na sa 15 kaso ang naitala sa bansa ngayong taon. Ayon kay DOH Secretary Paulyn Jean Ubial, ang dalawa sa tatlo ay naitala sa Iloilo City habang ang isa naman ay naitala sa Antipolo. Nabatid kay Ubial na […]

Duterte Health Agenda tampok sa summit

Tatalakayin ng Department of Health (DOH) ang Duterte Health Agenda sa pagbubukas ngayon ng national health summit sa PICC sa Pasay City. Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, tatlong pangunahing agenda o layunin ang nais makamit ng DOH. Kasama rito ang mahusay na kalusugan at mahabang buhay para sa lahat ng Pilipino at mapigilan ang mga lumalakas […]

Dengue vaccine sa Mexico ready na, Zika virus vaccine tinutuklas pa

Maaari nang masubukan sa Mexico ang kauna-unahang vaccine para sa dengue virus sa susunod na linggo. Nabatid na ang Dengvaxia vaccine ay gawa ng Sanofi, isang French pharmaceutical at inilunsad sa isang event sa Eastern Mexico, kamakalawa. Ang mga nasa edad 9-45 ay maaari nang makapagbakuna sa kanilang mga doktor sa Lunes. Nalaman sa Sanofi […]

Kampanya kontra Zika palakasin

Nakakalungkot ang balitang napasok na muli ang bansa ng Zika virus. Ito ay matapos na kumpirmahin ng Department of Health (DOH) na isang 45-anyos na babae mula sa Barangay Benedicto sa Jaro, Iloilo ang nagpositibo sa nasabing virus. To the rescue na ang mga ka-barangay ng apektadong babae­ kaya’t tulung-tulong ang mga ito sa pagsasagawa […]

Milyong bubuyog sa US tepok sa anti-Zika virus spray

pesticide-spray-mosquito

Milyon bubuyog sa Estados Unidos ang namatay matapos na mag-spray ang mga awtoridad para makontrol ang paglaganap ng Zika mosquitoes sa South Carolina. Sinabi ni Beekeeper Juanita na nasira ang negosyo ng kanilang pamilya dahil sa ginawang pesticides aeria­l spray ng mga awtoridad. Nabatid na namatay ang lahat ng alaga nilang bubuyog sa isinagawang pag-spray. […]

DFA nag-abiso sa Filipino community sa Singapore

singapore-people

Nagpalabas ng abiso ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa lahat ng Filipino na naninirahan at namamasyal sa Singapore na umiwas na mga mata­taong lugar upang makaiwas na mahawahan ng nakamamatay na Zika virus. Sinabi ni DFA Asst. Sec. Charles Jose, na dapat seryosohin ng lahat ng Filipino na nasa Singapore ang babala kasunod na […]

Zika sa Rio

Sa pag-uumpisa ng Rio Olympics kahapon, naisip ko na naman ang Zika virus. Ito iyong dala ng lamok na kapag nakakagat ay pusibleng maapek­tuhan ang ipapanganak ng isang buntis. Pag lalaki ang nakagat, malamang mailipat niya ang Zika virus sa babaing kanyang katalik. Abnormal ang tinamaang sanggol ng virus dahil maliit sa normal ang ulo […]