Nagbabala ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga residente ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na mag-ingat na pumasok sa ‘direct hiring’ scheme upang makaiwas na mabiktima ng human trafficking.

Sinabi ni Odin Abdula, hepe ng OWWA-ARMM’s programs and services division, na dapat na tiyakin na makipag-ugnayan lamang sa mga lehitimong recruitment agencies na tinukoy ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang mga nagpap­lanong umalis at magtrabaho sa ibang bansa.

Ang paalala ay ginawa ng OWWA matapos matanggap ang impormasyon na talamak ang labor vio­lations ng mga employers mula sa mga bansang Saudi Arabia at Kuwait sa Gitnang Silangan.