Mas karapat-dapat bigyan ng prayoridad ang mga residenteng naninirahan sa riverside sa bayan ng Bocaue, Bulacan sa murang pabahay ng National Housing Authority (NHA) na nakalaan sa pulis at militar kaysa puwersahang okupahan at agawin ng urban-poor group na Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay).
Ayon sa tanggapan ni Bocaue Mayor Joni Villanueva-Tugna, hihilingin nila sa NHA na ipagkaloob sa kanyang mga kababayang squatters at nakatira sa gilid ng ilog ang pabahay ng gobyerno sakaling tanggihan na itong okupahan ng AFP at PNP dahil marami din lehitimong residente ang walang permanenteng tirahan.
Bantay-sarado ngayon ng mga lehitimong benipisyaryo at residente ng NHA housing project ang libu-libong bakanteng pabahay na nakalaan sa pulis at militar sa Barangay Batia, Bocaue dahil sa impormasyong magsasagawa uli ng pagsalakay para mang-agaw ng bahay ang urban-poor sa bayan ng Bocaue at maging sa bayan ng Bustos.
Walang squatter kung hindi ginagamit ng mga Politiko